Aired (October 28, 2024): Ang 54-anyos na si Apple Carrera, na-stroke at kasalukuyang inaalagaan ng kanyang mga kaibigan sa Muntinlupa City. Walang kamag-anak na nag-aalaga sa kanya dahil ang nag-iisa niyang anak ay nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW). Ang kanyang tirahan, isang maliit na sulok lamang. At ang nagsisilbing panangga niya sa ulan, isang trapal.